QC at ilang lugar sa Luzon, nasa ilalim pa rin ng red zone sa banta ng ASF

Nananatili pa ring ASF Free ang Visayas, Mindanao at MIMAROPA Region habang protected zone ang Region 1, 2 at 3. Survival zone naman ang ilang probinsya ng Region 3 at Region 4A.

Bukod-tanging ang Bulacan, Pampanga, Quezon City at CAMANAVA area ang nasa red zone o may mga kaso pa rin ng ASF.

Gayunpaman, tiniyak ni Department of Agriculture na bumababa na ang bilang ng kaso ng African Swine Fever sa mga baboy sa buong bansa.


Sa year-end press conference ni Sec. William Dar, maituturing na umanong kontrolado ng pamahalaan ang kaso ng ASF lalo na sa Luzon.

Umabot umano sa 4 na bilyong piso ang kabuuang nalugi sa mga hog raisers mula ng magkaroon ng ASF sa bansa noong kalagitnaan ng buwan ng Agosto hanggang sa kasalukuyan.

Dahil dito, naglabas na rin ang ahensya ng kabuuang 80 milyong piso at karagdagang 1 bilyong piso mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa ayuda ng mga magbababoy kung nasaan nakatanggap ng tig-₱5,000 ang mga ito.

May ginawa na ring zoning plan ang DA at mga Local Government Unit upang mabilis matukoy ang mga lugar na mayroon pa ring ASF.

Facebook Comments