Halos overflowing na ng pasyenteng may COVID-19 ang Quezon City General Hospital (QCGH).
Ito ang mismong iniulat ng pamunuan ng ospital sa Quezon City Health Department dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nahahawaan ng virus sa loob ng nakalipas na dalawang linggo.
Base sa inisyal na ulat, nasa 111% na puno ang bed capacity ang ICU o Intensive Care Unit nito.
107% naman ang COVID-19 ward ng naturang ospital.
Kung tutuusin, overflowing na ang bilang ng mga nahahawaan ng virus sa QCGH kung kaya’t kinailangan nilang ilipat sa ibang pagamutan ang mga dinadalang pasyente doon.
Halos wala na rin pahinga ang kanilang mga health care workers para lamang tulungan ang mga pasyenteng tinamaan ng virus.
Facebook Comments