Rizal Park at Paco Park sa Maynila, mananatiling bukas para sa mga nais mag-exercise

Mananatiling bukas sa publiko na nais mag-ehersisyo ang Luneta Park ay Paco Park sa Maynila.

Pero sinabi ng Department of Tourism (DOT) na magiging limitado lamang ang oras ng pagbubukas nito.

Nagdesisyon kasi ang pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) na limitahan na lang muna ang operating hours ng dalawang parke na ito mula alas-sais ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.


Limitado rin ito para sa mga may edad 18-anyos hanggang 65-anyos na mag-eehersisyo.

Bilang pagsunod di sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at DOT, kailangan pa rin ng mga bibisita dito na magsuot ng face masks at face shields.

Ayon sa DOT, maaari namang tanggalin pansamantala ang mga ito sa panahon ng “Intensive Physical Exercise” at dapat ay mayroon pa ring tamang physical distancing.

Hinihikayat din ang mga park goers na magdownload at magparehistro sa mobile application na StaySafe.ph para sa contactless contact tracing.

Facebook Comments