QC government, sinuspinde ang isang ranking executive dahil sa alegasyon ng sexual harassment

Sinuspinde ng Quezon City local government ng anim na buwan na walang bayad ang isang high ranking official ng city dahil sa paratang na sexual harassment ng isang empleyado.

Sa isang complaint letter na ipinadala kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, idinetalye ng female employee ang naranasan niyang sexual at verbal abuse mula sa di-pinangalanang high ranking official

Agad namang naihain ang reklamo sa Committee on Decorum and Investigation – Legislative Department.


Matapos ang serye ng pagdinig, napatunayang guilty sa less grave offense of sexual harassment ang opisyal.

Ayon pa kay Belmonte, may isa pang sexual harassment complaint laban sa isa nilang kawani ang kasalukuyan nilang iniimbestigahan.

Nagbabala ang lady mayor sa kanilang mga kawani na sila ay parurusahan sakaling masangkot sa pang aabuso o sexual harassment.

Facebook Comments