QC gov’t, nagpaalala sa bawal na paggamit ng paputok

Quezon City – Nagpaalala si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa publiko tungkol sa umiiral na ordinansa sa lungsod na nagbabawal sa paggamit ng mga paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sinabi ni Belmonte na walang masasaktan o masusugatan sa kung wala nang tatangkilik at gagamit ng mga delikadong pampailaw.

Umiiral ngayon ang total ban sa paggamit ng anumang uri ng paputok at mga pyrotechnic device sa lahat ng pampublikong lugar sa lungsod sa anumang okasyon sa ilalim ng City Ordinance No. SP 2618.


Ayon pa kay Belmonte, papatawan ng multang P5, 000 ang sinumang mahuhuling lumalabag sa ordinansa o maaaring makulong ng isang taon depende sa maging desisyon ng korte.

Tiniyak naman ni Belmonte, handa na ang mga ospital sa lungsod para sa mga biktima ng paputok at sapat din ang kanilang mga kagamitan upang tumugon sa anumang pangangailangan ng mga ito.

Facebook Comments