Ikinukunsidera ngayon ng Quezon City government na putulin na ang kontrata nito sa Zuellig Pharma Corporation kasunod ng mga aberya sa pag-sign up ng mga residente sa eZConsult service para makapagpabakuna ng vaccine kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, inasahan nilang mas mapadali ang proseso ng pagpapatala ngunit ano ang gagawin natin kung ang sistema nila mismo ang ugat ng problema.
Binigyan ni Belmonte ng ultimatum ang Zuellig na mabilis na ayusin ang kanilang sistema dahil kung hindi ay mapipigilan silang humanap ng ibang kompanya.
Humihingi rin ang Local Government Unit (LGU) ng liquidated damages kaugnay sa mga idinulot na perwisyo ng technical failures ng eZConsult.
Simula June 10, 2021, iba’t ibang technical difficulties ang naranasan sa eZConsult.
Bunsod nito, maraming residente ang dismayado matapos hindi makakuha ng COVID-19 vaccine katulad ng ipinangakong bilis na serbisyo ng LGU.