QC LGU, inanunsyo na makatatanggap na ng ikalawang booster shot kontra COVID-19 ang mga senior citizens at healthcare workers sa lungsod

Makatanggap na ng ikalawang booster shot kontra COVID-19 ang mga senior citizen at frontline healthcare worker o mga nasa A1 at A2 category sa lungsod.

Sa abiso ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City, kinakailangan na 4 na buwan ang pagitan ng unang booster shot bago payagang makatanggap ng ikalawang booster shot.

Moderna at Pfizer vaccine naman ang gagamiting brand ng Quezon City local government unit (LGU) para sa pagbabakuna ng ikalawang booster shot sa nasabing kategorya.


Layon ng pagbibigay ng second booster shot sa mga immunocompromised na residente ng QC na masiguro na protektado ang mga ito sa banta ng COVID-19 at sa mga variant nito.

Para sa karagdagang impormasyon sa pagbabakuna ng 2nd booster dose sa mga senior citizen at healthcare worker sa QC, maaaring magtungo sa pinaka-malapit na health center sa inyong lugar o antabayanan ang anunsyo para online booking sa Facebook page ng QC LGU.

Facebook Comments