QC-LGU, inaprubahan ang P28.7 billion budget para sa social services sa 2021

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na prayoridad nito ang paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko sa taong 2021.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Quezon City Council sa P28.7 billion na laan sa social welfare at services.

49 percent ng P13.9 billion na budget ng city government ang inilaan ngayon sa social services.


Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, target nila na makapaghatid ng higit na ng responsive at efficient social services sa mga residente ng lungsod lalo na at humaharap pa ang bansa sa banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon naman kay Assistant City Administrator for Finance Don Javillonar, itinaas din sa 95 percent ang budget ng City Health Department.

Ito’y upang mapalakas ang mga programa katulad ng health emergency response kaugnay ng mga health outbreaks o pandemics, ang operasyon ng QC Molecular Diagnostic Laboratory at ang pagbili ng mga gamot at medisina.

Facebook Comments