QC-LGU, inatasan ang mga hospitals at laboratories na ipadala sa kanila ng direkta ang COVID-19 “line list”

Inatasan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang lahat ng public at private hospitals gayundin ang mga laboratories na direkta nang isumite sa kanila ang kopya ng ‘line list’ o roster of individuals na sumailalim na sa COVID-19 testing.

Ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Surveillance Unit, layon nito na mapadali ang contact tracing efforts sa lungsod.

Ang ‘line list’ ay ginagamit bilang basehan sa monitoring ng close contacts ng probable at suspected cases at maipaalam kung kailangang ma-isolate.


Dagdag ni Dr. Cruz na mapapadali ang pagpapa-tupad ng contact tracing kung pinanghahawakan nila ang listahan.

Aniya naging hamon na sa kanila na magsagawa ng contact tracing dahil inaabot ng tatlo hanggang apat na araw ang delay bago makarating ang pinadalang data mula sa Department of Health (DOH).

Kinakailangang magtulungan ang private at public health institutions upang mapahusay ang data gathering at recording.

Ang apela ay ginawa ng Local Government Unit (LGU) kasabay ng pagsisikap ng DOH na mapahusay ang pamamahala ng COVID-related data.

Facebook Comments