QC-LGU, inihahanda na ang mga bus na i-dedeploy sa mga bagong ruta

24

Nakahanda na ang mga bus unit para sa mga binuksang ruta sa lungsod ng Quezon sa ilalim ng Bus Augmentation Program na layong mabigyan ng maayos na transportasyon ang mga commuter.

Magkakabit na rin ng bus signages sa daraanang ruta para sa pagsisimula ng biyahe.


Kasalukuyang mayroong walong (8) ruta ang programang ito na dadaan sa mga pangunahing kalsada na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang unang ruta ay Quezon City Hall hanggang Cubao at pabalik, pangalawa ang Quezon City Hall hanggang Litex/IBP Road, sinundan ng Welcome Rotonda hanggang Aurora Blvd/Katipunan, Quezon City Hall hanggang General Luis at pabalik.

May ruta rin mula Quezon City Hall hanggang Mindanao Avenue/Quirino at pabalik, Quezon City Hall hanggang Gilmore, Quezon City Hall hanggang C5/Ortigas Ave Ext at Quezon City Hall hanggang Munoz at vice versa.

Ayon pa sa lokal na pamahalaan, libre ang transportasyong ito para sa mga residente sa lungsod.




Facebook Comments