QC- LGU, ipinatigil ang mga construction activity ng pitong kumpanya at isang service provider nito matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan nilang empleyado

Ipinatigil muna ng Quezon City Government ang lahat ng aktibidad ng pitong construction companies at ipina-shutdown ang pasilidad ng isang maintenance service provider nito matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga empleyado.

Lahat ng mga tauhan ng mga construction firm ay naka-quarantine na ngayon.

Kinakailangan ding makapasa muna sa health and safety standards ang mga construction firm bago makabalik sa kanilang on-site construction activities.


Inilagay rin sa temporary closure ang pasilidad ng maintenance service provider ng Business Permits and Licensing Department at nagsasagawa na ng decontamination.

Ayon kay Dr. Rolando Cruz ng Epidemiology and Surveillance Unit, ang mga empleyado na nagpositibo ay dinala na sa HOPE community-care facilities habang ang ibang nakasalamuha ay inihiwalay sa quarantine on-site.

Facebook Comments