Tatlong Korean, arestado sa kasong illegal gambling

37

Timbog ang tatlong Korean na wanted sa kasong illegal gambling.

Arestado sa kanilang condo sa Barangay San Lorenzo sa Makati ang mga suspek na sina Cho Chang Joo, 26, Beom Dawon, 26, at Hong Changwoo, 29.


Nadakip ang tatlo sa bisa ng mission order na pirmado ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente.

Napag-alaman na may kinakaharap na arrest warrant ang tatlo mula sa district court sa Busan, South Korea dahil sa paglabag sa kanilang batas laban sa illegal gambling.

Lumalabas din na pawang undocumented alien ang tatlo matapos kanselahin ng Korean government ang kanilang mga pasaporte.

Mahaharap sa deportation ang tatlo at isasama rin sa blacklist ng ahensya upang mapigilan ang muling pagpasok ng mga ito sa bansa.



Pansamantalang nakakulong ang tatlo sa warden facility ng BI sa Taguig.

Facebook Comments