QC LGU, mas maghihigpit sa pagsusuot ng face mask sa panahon ng GCQ

Paiigtingin pa ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) ang pagpapatupad ng kautusan sa pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar ngayong patungo na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, isa sa pangunahing depensa laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face mask.

Aniya, dapat pang paigtingin ang kampanya rito upang masanay ang lahat na magsuot nito sa mga pampublikong lugar.


Napatunayan aniya sa pag-aaral ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng United States na malaki ang naitutulong ng pagsusuot ng face mask para mabawasan ang kaso ng COVID-19.

Dahil dito, inatasan ni Belmonte ang Quezon City Police District (QCPD), mga barangay officials, Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, Market Development and Administration Department na mahigpit na ipatupad ang inilabas niyang Executive Order No. 25.

Giit ni Belmonte, kung dati ay maunawain at napapalampas ng otoridad ang mga pasaway, ngayon ay tiyak na agad na mapaparusahan ang mga lalabag dito.

Facebook Comments