Kumpiyansa ang Quezon City Local Government Unit (LGU) na mapapanatili ng mga barangay ang naitatalang mababang kaso ng COVID-19 sa magkakasunod na tatlong linggo.
Sa katunayan, nag-aalok na ngayong ng cash incentives ang lokal na pamahalaan sa ilalim ng “Race to Zero” campaign nito para sa mga barangay na makakapagtala ng pinakamataas na bilang ng matutuntong suspected Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases, gayundin ang barangay na may pinakamababang confirmed cases.
Mula P50,000, P100,000 at P200,000 ang nag-aantay na papremyo sa mga barangay na may maliit, katamtaman at malaking bilang ng populasyon.
Ang kakailanganing data ay ang naitala simula September 7 hanggang September 14, 2020.
Ang pag-anunsyo sa mga outstanding barangays ay isasagawa sa September 21, 2020, kasabay ng selebrasyon ng Barangay Day.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, layunin nito na masustain ang flattening of the curve na nakikita ng UP OCTA research sa magkakasunod na tatlong linggo sa lungsod.