QC-LGU, nagbukas ng isa pang quarantine facility para sa mga pasyente na may COVID-19

Nagbukas pa ng isang pasilidad sa HOPE 2 Community Care Complex ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa mild at asymtomatic COVID-19 patients.

Kasunod na rin ito ng pagpapalawig at pagpapalawak ng mga isolation bed sa Quezon City.

Ang bagong bukas na pasilidad ay mayroong 86 bed capacity para sa mga pasyente at 6 na capacity naman para sa mga health worker.


Magagamit na rin ang admitting section at mobile X-ray sa Hope 2 Community Care Complex na naglalayong mapabilis ang admission process ng mga pasyenteng asymtomatic o may mild symptoms lamang.

Hanggang kahapon nasa 10,340 na ang active cases ng COVID-19 mula sa kabuuang bilang na 77,726 kaso. Nasa 66,408 naman ang mga gumaling na.

Facebook Comments