QC-LGU, naglagay ng e-trike charging stations sa lungsod

Photo Courtesy: Quezon City Government

Naglagay ang Quezon City ng tatlong solar charging stations para sa mga electronic tricycle o e-trikes.

Partikular na inilagay ang solar charging station sa Batasan Hills TODA, Barangay Payatas Motorpool at Amoranto Sports Complex.

Ang tatlong lugar ang napiling strategic location sa mga solar charging station dahil ito ang mayroong operasyon na ng e-trikes sa lungsod.


Una nang namahagi si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng e-trikes noong nakaraang taon kung saan bahagi ito ng kanyang 14 point agenda matapos mahalal bilang alkalde ng QC.

Ang bawat charging station ay mayroong apat na charging pods na maaaring mag-accomodate ng walong e-trikes ng sabay-sabay sa 2kw solar panels.

Facebook Comments