Muling nagpaalala ang Quezon City Local Government Unit sa mga organizer ng mga isasagawang rally sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat ay sumunod sa ipaiiral na minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, dapat sundin ng mga progresibong grupo ang kanilang napagkasunduan na i-disiplina ang kanilang hanay at tapusin ang mga aktibidad kung saan paiiralin naman ng Qeuzon City Police District (QCPD) ang maximum tolerance sa buong araw.
Giit pa ni Belmonte na sinuspinde na nito ang lahat ng klase sa lahat ng lebel sa Lunes bilang courtesy kay Pangulong Marcos na magtatalumpati sa kanyang unang SONA at upang maiwasan ang paghihirap sa mga estudyante na sumakay ng transportasyon.