QC LGU, nagpalabas ng dagdag na advisory sa mga consumers kaugnay ng mga ligtas kainin na karne ng baboy

Nagpalabas ng bagong advisory si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang dobleng pag-iingat at pagbabantay upang hindi  malusutan ang lungsod ng mga karneng may African Swine Fever.

Ayon kay Belmonte, palaging silipin ng mamimili ang meat inspection certificates upang matiyak na ang ibinebentang karne sa mga palengke ay dumaan sa masusing pagsusuri ng mga meat inspectors.

Gayundin, dapat tingnan ang mga may tatak mula sa mga lisensyadong katayan o slaughterhouse upang masiguro na malusog ang mga nakatay na hayop at ligtas kainin ang mga ito.


Hinikayat niya ang mga consumer huwag mag-atubiling isumbong ang mga nagbebenta nang walang kaukulang papel.

Tiniyak naman ni Dr. Anamarie Cabel, tagapamuno  ng Quezon City Veterinary Office na 24 oras ang pagbabantay ng mga checkpoints sa lunsod upang walang maipuslit na karne sa mga palengke na may ASF.

Facebook Comments