Tiniyak ng Quezon City LGU na mapapangalagaan ang karapatang pantao ng labing walong kataong inaresto matapos magkilos protesta kahapon sa pagdiriwang ng Labor day.
Sa isang kalatas, sinabi ng QC LGU na patuloy nilang minomonitor ang kalagayan ng mga arestado na ngayon ay nakadetine sa kampo Karingal.
Gayunman, nilinaw pa nito na bagamat kinikilala nila ang karapatang pantao ng sinuman, patuloy nilang ipapatupad ang mga guidelines at protocols sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.
Paalala ng QC LGU Sa publiko, huwag mag-pasaway at manatili sa bahay at huwag lalabas kung hindi lubhang kinakailangan.
Facebook Comments