QC-LGU, nais magkaroon ng mahigpit na crowd control and management kasunod ng nangyaring shootout sa isang fast food sa Commonwealth Avenue

Pinasisiguro ngayon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga kaukulang tanggapan ng lokal na pamahalaan na makapaglatag ng mas mahigpit na crowd control at management.

Ginawa ni Belmonte ang pahayag matapos maobserbahan na hindi na nasunod ang health protocols sa COVID-19 sa pagdagsa ng mga usyosero sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga anti-drug operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police.

Kabilang sa pupulungin ni Belmonte ay ang Quezon City Police Department, Health Department, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Public Order and Safety at ang mga taga barangay.


Nakita ng alkalde sa mga nag viral na video na ilang hakbang lang ang pagitan ng mga taong naki-usyoso sa barilan.

Aniya, bagama’t walang nadamay na mga residente sa lugar, nagdulot naman ito ng takot sa commercial area.

Layon ng Local Government Unit (LGU) na isalang-alang ang kaligtasan ng publiko, sandaling maulit ang ganitong madugong insidente.

Facebook Comments