Mga Pinoy na may kontrata sa trabaho sa Myanmar, papayagan pa ring bumalik sa nasabing bansa

57
Photo Courtesy: Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines Facebook Page

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs na papayagan pa ring makabalik ng Myanmar ang mga Pilipinong may existing na kontrata sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Myanmar.

Sa harap ito ng Alert Level 2 na pinaiiral ng pamahalaan ng Pilipinas sa Myanmar bilang precautionary measure para matiyak ang kaligtasan ng natitirang 1,273 Filipinos doon.


Mahigpit naman ang paalala ng DFA sa mga Pinoy doon na iwasan ang mga lugar na may kilos protesta at maghanda sa posibleng paglilikas.

Una nang dumating sa bansa ang dalawang batch ng Pinoy repatriates mula sa Myanmar.

Facebook Comments