Nakataas na ang yellow alert sa Quezon City bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong Ulysses sa Metro Manila.
Ipinatitiklop na ng Quezon City Government sa mga outdoor advertisers at building owners ang kanilang billboards at display.
Kasabay nito, ipinag-utos na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa City Social Services Department ang pagtalaga ng safety officers sa evacuation centers.
Layon nito na matiyak na naipapatupad ang health protocols sa publiko at mabigyan ng face mask kung kinakailangan.
Itinaas na sa yellow alert ang status sa Quezon City at pinaghahanda na ang responding units ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para sa anumang deployment.
Maging ang tower cranes sa mga construction sites ay dapat nasa ligtas na lugar na rin para sa kaligtasan ng publiko.
Base sa huling ulat ng PAGASA Weather Bureau, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Metro Manila.