Abot na sa 111 ang mga market vendors ang hinuli ng mga tauhan ng Market Development and Administration Department (MDAD) dahil sa napakataas na patong sa presyo ng kanilang paninda.
Ito’y bahagi ng sunod-sunod na operasyon na ikinasa ng MDAD simula noong January 1, 2021.
Ayon kay MDAD Head for Operations Procopio Lipana, madalas na katwiran ng mga vendor ay mataas ang kuha nila ng panindang agricultural at fishery products mula sa mga trader.
Aniya, nakikipagtulungan na ang Local Government Unit (LGU) sa Department of Agriculture (DA) para habulin ang mga wholesalers na residente ng lungsod.
Ipinasakamay na ng MDAD sa DA ang resibo ng transaksyon sa pagitan ng mga market vendors at mga traders para magsilbing ebidensya.
Facebook Comments