Sinimulan na ng Quezon City Government ang pamamahagi ng QCitizen identification cards sa mahigit 1,000 persons with disability (PDWs) sa lungsod.
Ang QCitizen ID na inilunsad noong Enero ay isang unified ID para sa lahat ng residente ng lungsod.
Ipinalit ito sa existing senior citizen, solo parent, at persons with disability ID at para sila makakakuha ng PhilHealth membership.
Bago makakuha ng QCitizen ID, kailangang magrehistro muna ang mga PWD online sa pamamagitan ng QC E-Services Portal o pag-fill out ng application sa kanilang barangay.
Ayon kay Persons with Disability Affairs Office Head Renato Cada, target ng lungsod na mairehistro ang lahat ng projected 74,073 PWDs para mabigyan ng QCitizen ID sa susunod na taon.
Facebook Comments