QC-LGU, napanatili ang ang mababang reproductive number at positivity rate ng COVID-19 ngayong linggo

Ipinagmalaki ng lokal na pamahalaan ng Quezon City Government na napanatili nito ngayong linggo ang downward trend ng reproductive number at positivity rate ng COVID-19.

Base sa datos ng OCTA Research Group, noong September 30 ay naitala ang 0.67% Ro kumpara sa 0.79% noong nakaraang linggo.

Itoy may mababa sa Ro sa National Capital Region na 0.71 percent at sa buong bansa na 0.80.


Ang positivity rate ay nasa 10%, isang puntos na mababa kung ihahambing noong nakaraang linggo.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, mula September 16 hanggang September 22, ang number of daily cases ay naibaba sa bilang na 41 mula sa 122 sa nakalipas na lingo.

Ayon kay Dr. Ranjit Rye ng OCTA Research, kapuri-puri ang nakamit na ito ng QC-LGU.

Pero, hindi dapat magpakakampante at mas higpitan pa ang COVID-19 efforts upang mas mapababa pa ang mga kaso ng nagkakasakit.

Facebook Comments