QC-LGU, pinalawak ang free testing program sa harap ng dumaraming residente na gustong malaman ang kanilang COVID-19 status

Photo Courtesy: Quezon CIty-LGU Facebook Page

Pinalawak ng Quezon City government ang free testing program ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Ito’y upang matugunan ang dumaraming bilang ng mga gustong malaman ang kanilang COVID-19 status.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapasidad ng CESU sa COVID testing, mas mapapabilis ang pag-detect ng mga bagong kaso at mapipigilan ang hawahan ng virus sa lungsod.


Ayon naman kay CESU Chief Dr. Rolando Cruz, sa ngayon ay may available na may 100,000 rapid antigen test kits ang City Health Office at tuloy-tuloy rin ang pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross (PRC) para sa expanded allocation ng RT-PCR test kits.

Nagtatag din ang Local Government Unit (LGU) ng karagdagang community-based testing centers sa bawat distrito ng lungsod para matukoy ang mga residente na maaring nagka-impeksyon.

Facebook Comments