QC LGU, pinalawak pa ang financial assistance program nito sa harap ng extended ECQ sa NCR

Nagdagdag pa ang Quezon City LGU ng  P600 million mula sa inaprubahan nitong P2.8-billion supplemental budget .

Ito ay upang palawakin pa ang  coverage ng Kalingang QC financial assistance program para sa mga bulnerableng sektor laluna pa at extended ang ECQ sa NCR.

Batay sa monitoring, sa first wave ng pamimigay ng P2,000 na cash assistance, hindi nabigyan ang mga nagtitinda ng dry goods at mga cellular phone accessories.


Sa ilalim ng expanded program masasakupan na rin ang mga  solo parents, persons with disability at senior citizens na apektado ng  Enhanced Community Quarantine (ECQ.)

Una nang naglaan ang lokal na pamahalaan ng  P200 million para mabenebisyuhan ang nasa 100,000 na QC residents,kabilang dito ang mga  covering drivers ng public utility jeeps, tricycles, pedicabs, taxis, Transport Network Vehicle Service (TNVS), UV Express, market vendors, at ibang daily wage earners na apektado ng ECQ.

Ayon kay Rogelio Reyes, pinuno ng  Public Employment Service Office as of April 21, abot na sa 36,582 beneficiaries ang nabigyan ng tig P2,000.

Maliban sa pondo para sa Kalingang Quezon City program, mangagaling din sa P2.8-billion supplemental budget ang pambili ng food packs na dinadala sa bahay-bahay.

Facebook Comments