QC-LGU, pinalawig pa ang aplikasyon para sa scholarship program

Binigyan pa ng pagkakataon ng pamahalaang lungsod ng Quezon hanggang Setyembre 8 ang aplikasyon para sa scholarship program.

Ito’y upang magkaroon ng pagkakataon ang mga aplikante na makumpleto ang kanilang mga requirements.

Kailangan kasi ng mga aplikanteng isumite sa QC e-services ang mga requirements tulad ng e-Copy ng QCitizen ID, proof of school enrollment/registration/acceptance at e-copy ng grades o transcript of records ng mga nagdaang taon o semestre.


Matatandaan na taon-taong ginagawa ng Quezon City government ang pagbibigay ng scholarships sa mga karapat-dapat na estudyante.

Kasama sa pinalawak na scholarship program ang mga atleta at mga mag-aaral ng kursong vocational sa existing roster ng senior high school, tertiary, at post-graduate.

Samantala, kailangan muna na residente ng lungsod ng Quezon ang aplikante at nagtapos sa pribado o pampublikong paaralan sa nasabing lungsod.

Facebook Comments