QC-LGU, PRC at Hi-Precision, magtutulungan para palawakin ang swab testing sa mga residente sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19

Photo Courtesy: Quezon City LGU

Nakikipagtulungan ngayon ang Quezon City – Local Government Unit (QC-LGU) sa Philippine Red Cross (PRC) at sa private diagnostics clinic Hi-Precision upang mas maraming residente ang makukuhanan ng COVID tests at mapalakas ang contact tracing efforts nito.

Kasunod ito ng paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng LGU at PRC.

Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang PRC na mag-aallocate ng 8,000 RT-PCR test kits sa QC-LGU.


Plano ng LGU na makapagbukas ng karagdagang testing centers na tututok sa mga residente na nagpapakita ng flu-like symptoms gayundin ang mga nagkaroon ng exposure sa mga COVID-positive patients.

Kabilang sa operational na ommunity-based testing centers ay ang mga sumusunod:
Toro Hill Basketball Court (District 1), Payatas Super Health Center (District 2), Old Balara Covered Court (District 3), Amoranto Stadium (District 4), SB Park Novaliches (District 5) at Talipapa Senior High School (District 6).

Nangako naman ang Hi-Precision diagnostics clinic na ipapagamit muna ang kanilang dalawang mobile X-ray units sa dalawang HOPE facilities sa lungsod.

Facebook Comments