Nakatakdang inspeksiyunin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tatlong local government-run hospitals upang matiyak ang kahandaan ng mga ito kasunod ng pagkumpirma ng dalawang kaso 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, kahit wala pang kaso ng n-CoV sa lungsod, mabuti nang maging handa sa anumang posibleng mangyari.
Kabilang sa bibisitahin ni Belmonte ay ang Quezon City Medical Center, Rosario Maclang Bautista General Hospital at the Novaliches District Hospital.
Ani Belmonte ang mga ospital na ito ay pinaghanda na ng mga kakailanganing safety equipment, tulad ng isolation tent at ibang paraphernalia sa paghawak ng mga n-CoV patients.
Pinulong na rin ng City health officials ang mga private hospitals upang itakda ang protocols sa pagharap sa banta ng n-CoV cases.
Nakaantabay na rin ang 80 frontline responders at logistics personnel of the QC Disaster Risk Reduction and Management Office na katatapos sumailalim sa preparedness training sa proper use of personal protective equipment, proper handling of patients, and proper disposal and disinfection of equipment.