QC, lumalakas na ang contact tracing capacity

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Quezon City government na lumalakas na ang kanilang contact tracing habang patuloy naman ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit Head Dr. Rolly Cruz, higit umanong pinalakas ang contact tracing capacity ng QC government na tumaas sa 31.2 contacts traced sa bawat nagpositibong indibidwal.

Paliwanag ni Dr. Cruz, ang bagong contact tracing capacity umano na naisagawa noong October 16 hanggang 22 ay nagdoble ng kapasidad noong October 2 hanggang 9 na umaabot na sa 14.94 kung saan ang improvement na ito ay bahagi umano ng istratehiya ng lokal na pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.


Dagdag pa ni Dr. Cruz na ang contact tracing ang isa sa naging susi upang malabanan ang virus, kung walang tamang tracing ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay mabilis na makakahawa sa komunidad.

Giit ng opisyal na may 3,500 contact tracers ang QC government sa tulong ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan may mahigit 42,000 mga gusali sa lungsod ay gumagamit ng KyusiPass, ang contact tracing app ng QC na may malaking tulong para mapahusay ang contact tracing efforts ng QC government.

Facebook Comments