QC Mayor Belmonte nagpalabas ng panuntunan tungkol sa class suspension sa QC

 

Nagpalabas ng guidelines si QC Mayor Joy Belmonte para mawala ang mga kalituhan tungkol sa pagsuspinde o kanselasyon ng pasok sa eskwela at trabaho sa QC.

Sa Memorandum Circular No. 1 Series of 2019, ang mga miyembro ng QC Disaster Risk Reduction and Management Council ay magsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) upang paghandaan ang pagdating ng kalamidad sa Lungsod

Paliwanag ng alkalde ang desisyon ng Council’s sa isasagawang PDRA ay naka depende sa latest weather updates and advisories ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA at ang assessment and evaluation ng PDRA ang siyang pagbabatayan ng alkalde kung magsususpinde ba siya ng klase sa eskwela at trabaho sa Government Offices.


Dagdag pa ni Mayor Belmonte ang QCDRRM Council ang siyang maghahayag ng desisyon bago mag alas 4:00 AM sa araw na ikakansela ang mga pasok at kapag matindi na ang lagay ng panahon at mayroong pagbabago ang deklarasyon naman ng suspensyon ay hindi lalampas ng alas 11 ng umaga.

Kapag magkaroon naman ng typhoon signals, agad na otomatikong kanselado ang pasok base na rin sa DepEd Order No. 43-2012.

Prayoridad ng alklade ang pagsususpinde ng pasok sa mga primary, secondary, at senior high schools, habang ang pasok sa mga kolehiyo at graduate school ay depende sa discretion ng kanilang School Head.

Ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council ay maaari rin umanong magsagawa ng PDRA kasama ang PAGASA and QCDRRMC para malaman kung kinakailangang suspindihin ang pasok sa eskwela at trabaho sa kanilang nasasakupan ng walang signal ang bagyo.

Facebook Comments