Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi niya pababayaan na mawalan ng trabaho ang mga vendor na apektado sa kanilang gagawing clearing operation sa Quezon City.
Ayon kay Mayor Belmonte, sasagutin ng Quezon City Government pansamatala ang upa sa mga palengke na pagmamay-ari ng Quezon City Government upang hindi mawalan ng trabaho ang mga vendor na apektado sa kanilang gagawing paglilinis.
Paliwanag ni Belmonte, habang hindi nakakarekober ang mga vendor, ang Quezon City Government muna pansamantala ang sasagot sa upa pero kapag nakaahon na ang mga vendor ay sila na ang magpapatuloy ng bayad ng upa.
Giit ng alkalde, hindi niya hahayaan na walang hanapbuhay ang mga vendor na apektado ng kanilang gagawing clearing operation dahil nakasalalay sa kanilang pagtitinda ang ikabubuhay ng kanilang mga pamilya.