Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga empleyado na nawalan ng trabaho.
Ayon kay Mayor Belmonte ang alagang QC program for displaced workers or alagang QC ay layung tulungan ang mga residente ng lungsod na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at krisis sa ekonomiya.
Sa ilalim ng programa, makakatanggap ng ₱500 kada linggo o apat na libong piso sa loob ng walong linggo.
Magagamit ang nasabinggit na halaga bilang pangtawid araw-araw habang naghahanap ng bagong trabaho.
Aabot sa 60 milyong piso ang inilaan na pondo ng pamahalaang lungsod sa nabanggit na programa.
Kabilang sa mga eligible o pwedeng mag-apply sa Public Employment Service Office o (PESO) ay ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho sa loob ng anim na buwan.
Sa pagtaya ng PESO, aabot sa 50 libong displaced workers sa Quezon City.
Kasama naman sa makakakuha ng tulong pinansyal ay ang 25 empleyado ng Colegio de San Lorenzo na nagsara kamakailan.