PAGLIGO SA BOLINAO FALLS, IPINAGBABAWAL!

Nagbigay ng abiso ang ahensya ng Bolinao Tourism Office ukol sa mga nagbabalak na mag-swimming sa na Bolinao falls.
Ayon sa Tourism Officer ng ahensya kanila munang ipinagbabawal ang paglangoy sa nasabing pook pasyalan dahil sa ilang araw na pag-ulan at hindi advisable ang pagligo dahil maputik ang tubig sa nasabing pasyalan.
Dagdag pa ng ahensya may mga nagbabantay sa lugar kung saan kanilang pinipigilan ang mga nais mamasyal dito, at hinihikayat na lamang ang mga ito na magpunta sa ibang pasyalan na alok ng Bolinao.

Samantala, mananatiling sarado ang Bolinao falls hanggang hindi pa nawawala ang maputik na tubig nito, habang hinihikayat naman ang mga turista na magtungo na lamang sa ibang pook pasyalan gaya ng Patar Beach. | ifmnews
Facebook Comments