Pinadadalo ng Quezon City Prosecutor’s Office si dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema sa gagawing pagdinig sa Agosto 4 at 11.
Sa inilabas na subpoena ni Assistant City Prosecutor Raphael Joseph Searles, sinabi nito na dapat na personal na humarap si Cardema na bitbit ang kaniyang affidavit.
Kaugnay ito sa kasong cycberlibel at unjust vexation na isinampa ni dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon.
Hindi rin tatanggap ng anumang motion to dismiss ang pisklaya sa kasong kinakaharap ng dating National Youth Chairman.
Sakali na hindi maghain ng kaniyang counter affidavit si Cardema ay ituturing itong pag-alis ng kaniyang karapatan sa nasabing kaso.
Facebook Comments