Admin aide sa Malacañang, nasawi matapos mahulog sa 4th floor ng Mabini Hall

Patay ang isang kawani ng Malacañang matapos mahulog mula sa ika-apat na palapag ng Mabini Hall.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang nasawi ay administrative aide ng Department of Information and Communications Technology (DICT) office deputy at executive secretary ng finance and accounting.

Aniya, iniimbestigahan na ng Presidential Security Group at ng Philippine National Police ang nangyaring insidente.


Kinilala ni Angeles ang nasawi na si Mario Castro.

Facebook Comments