QC Task Force for Transport and Traffic Management, pinulong ang mga Barangay Chairman at mga transport official

Nakipag-ugnayan na ang QC Task Force for Transport and Traffic Management sa ilang mga Barangay Chairman sa QC at Transport officials upang talakayin ang problema ng mga ilegal na terminal sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, pinuno ng naturang Task Force, iniisa-isa na niya cluster by cluster ang mga Barangay Chairman upang ipabatid sa kanila na napakahalaga na magkaroon ng disiplina ang mga commuters sa pagpila sa sasakyan.

Paliwanag pa ni Atty. Inton, nakatuon ngayon ang nasabing Task Force sa pagbibigay disiplina sa mga mananakay upang maibasan ang agawan at kung minsan ay nagkakasakitan sa pagsakay ng jeep.


Giit ni Atty. Inton na dapat ipatupad ng mga Barangay Chairman at Transport officials ang pagbibigay ng disiplina upang maging maayos ang pagsakay ng jeep sa kanilang lugar.

Facebook Comments