Gerald Anderson iginiit na walang third party sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo

1099
Image via NicePrint Photography

Matapos manahimik ng ilang linggo, nagsalita na si Gerald Anderson hinggil sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo at pagkakasangkot ni Julia Barretto sa isyu.

Sa panayam ng ABS-CBN entertainment reporter na si Ganiel Krishnan nitong Lunes, idinetalye ni Gerald ang sanhi ng kanilang paghihiwalay ng batikang aktres.


Ayon sa aktor, madalas silang mag-away ni Alonzo hanggang sa maramdaman niyang ‘hindi na masyadong healthy’ ang nangyayari sa relasyon dahil mas nasasaktan nila ang isa’t-isa.

“Siguro ang nangyari, just like in any relationship, we had small… “Let’s say we had that fight, after fight, after fight… We had that one big fight,” pahayag ni Anderson.

Dagdag pa nito, “Dun niya inilabas lahat ng emotions, lahat ng feelings. And after that, you got to stay strong and disciplined para umiwas muna sa communication.”

Noong Hulyo 25, ibinahagi ni Alonzo sa press na wala silang formal break-up ng dating nobyo at bigla nalang itong hindi nagparamdam sa kaniya.

(Basahin: Bea Alonzo nagsalita na ukol sa estado nila ni Gerald Anderson)

Nilinaw din ng binata na walang third party sa kanilang pagsasama ng Kapamilya star.

“Walang ibang tao na naging dahilan ng breakup. Para sa akin, it’s always been our personal issues na, things inside our relationship,” giit ni Gerald.

Matatandaang nadawit si Julia Barretto sa kontrobersiya matapos mapansin ng netizens na ni-like ni Bea ang ilang IG post na magkasama umano ang batang aktres at si Gerald.

Facebook Comments