QCDRRMC, nakalagay na sa orange alert

Inilagay na ng QCDRRMC Sa Orange alert ang kahandaan ng lungsod sa posibleng pagbabaha dulot ng pag-uulan na dala ng bagyong Tisoy.

Sa ilalim ng orange alert, idineploy na ang lahat ng resources at human assets ng lungsod sa mga istratehikong lugar.

Simula kahapon, activated na rin ang mga evacuation facilities at nakahanda na sa preemptive evacuation.


Patuloy namang naka-monitor pa rin ang QC Emergency Operations Center sa mga madaling bahaing lugar.

Kabilang na sa minomonitor ay ang Roxas District, Apolonio Samson at Brgy. Bagong Silangan.

Bahagi rin ng paghahanda ng LGU ang isinagawang tree pruning, clean-up drive at declogging operations ng Engineering Department.

Facebook Comments