QCPD Director Eleazar, nag-ikot sa mga bus terminal sa EDSA

Manila, Philippines – Upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko, ininspeksyon ni QCPD Director Guillermo Eleazar ang mga bus stations sa EDSA.

Particular na ininspeksyon ang terminal ng Baliwag Transit, Victory Liner. Superlines, Jack Liner at Luma at bagong terminal Sa Araneta Cubao.
Kinausap at kinumusta niya ang management at ang help desk ng QCPD.

Ayon kay Eleazar bantay sarado ang Araneta Bus Terminal hindi lamang sa mga tauhan ng QCPD maging ng mga miyembro ng NCRPO at Phil. Army na mga naka full battle gear.


Bukod dito ang mga security guard ng pamunuan ng araneta bus terminal at mahigpit din sa kanilang pagbabantay sa bawat entrance.

Bawat papasok na pasahero ay isa-isang binubusisi ang mga bag at iba pang bagahe upang matiyak na walang makakalusot na anumang bagay na magbibigay panganib sa biyahe ng mga bus.

Lahat ng mga bawal ay kinukumpiska ng mga security guard katuwang ang mga sundalo sa pagse-searching.

May ilan sa mga pasahero ang nakumpiskahan ng itak, pintura at iba pang matalas na posibleng gagamitin sa paglikinis ng puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na nakalibing sa kanilang mga probinsiya.

Samantala, nananatili naman ang mga tauhan mula sa QC rescue team, BFP At Phil. National Red Cross na magbibigay ng agarang first aid sakaling may atakihin sa puso o anumang insidente.

Facebook Comments