
Nilinaw ni QCPD Director PBGen. Randy Glenn Silvio na walang na-inquest sa nangyaring insidente ng pagtalon ng isang estudyante sa Fernando Poe Jr. Station LRT-1 noong Pebrero 11.
Ayon kay Silvio, ni-release rin ang driver na aksidenteng nasangkot sa insidente sa nasabing estasyon nitong Pebrero 12, kahapon.
Dagdag pa nya, base sa mga isinagawang imbestigasyon walang nakitang mali sa driver ng nasabing sasakyan kung saan nakumbinsi rin dito ang pamilya ng nasawing estudyante dahil na rin sa mga nakuhang CCTV footage.
Kaugnay nito, ayon kay Silvio, nakiusap naman ang pamilya ng nasawing estudyante na huwag na i-reveal ang dahilan ng pagkasawi ng nito.
Samantala, ayon sa pulisya, malinaw na nakita sa CCTV na ibinigay ng LRT1 na pabalik-balik sa nasabing lugar ang estudyante, at dito na ito sumampa at tumalon.










