Quezon City – Ipinagtanggol ni Quezon City Police District (QCPD) Chief Guillermo Eleazar ang kaniyang mga pulis na inireklamo ng mga ralliyista sa Ateneo de Manila.
Ayon kay Eleazar, isang “Standard Operating Procedure o SOP” na tungkulin ng mga kapulisan ang ginagawang hakbang upang magbigay ng seguridad sa anumang pagtitipon na kanilang nasasakupan.
Magugunitang inireklamo ng ilang mga nakibahagi sa rally sa Katipunan Avenue ang pagtungo ng mga kapulisan at tinanong kung ano ang dahilan ng kanilang rally.
Nauna rito nagsagawa ng rally ang ilang mga mag-aaral ng Ateneo dahil sa nagaganap na anti-drug war ng Pangulong Duterte.
Facebook Comments