QCPD, kinasuhan ang lalaking nagtangkang tumalon sa EDSA

Patong-patong na kaso ang isinampa ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa isang lalaking nagtangkang tumalon mula sa flyover sa EDSA Southbound sakop ng Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Pol. Brig. Gen. Danilo Macerin, kabilang sa mga kasong isinampa laban sa 57 anyos na si Romel Francisco, residente ng barangay Bagumbayan ay kasong alarm and scandal, paglabag sa City Ordinance 5121 at Resistance and Disobedience to Person in Authority.

Pinuri naman ni PBGEN Macerin ang mga tauhan ng QCPD Police Station 7 sa maagap na pag-aksyon upang maisalba sa tiyak na kapahamakan si Francisco.


Nabulabog ang mga tao at lumikha ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang tangkang pagtalon ng lalaki.

Facebook Comments