QC LGU, inanunsyo na walang biyahe ng Quezon City Bus Service sa mga araw na ideneklarang holiday ngayong buwan

Nag-abiso na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City (QC) na walang operasyon ang mga bus na nag-a-alok ng libreng sakay sa mga araw na ideneklarang holiday ngayong buwan .

Pumapasada ang QC Bus Service sa walong binuksang bagong ruta maliban sa sa December 25, 30, 31 at January 1 ng susunod na taon.

Sa bisperas ng Pasko bukas December 24, regular pang bibiyahe ang libreng sakay bus mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.


Umarangkada ang city bus augmentation program ng LGU noong December 7 na layong magbigay ng libreng sakay sa mga piling ruta sa lungsod.

Mahigit 80 bus ang kasama sa augmentation program at 25 pasahero lang ang puwede sa bawat biyahe.

Kabilang sa mga ruta nito ang:
QC Hall → Cubao
Litex/IBP Road → QC Hall
Welcome Rotonda → Aurora Blvd/Katipunan Avenue
General Luis → QC Hall
Mindanao Avenue corner Quirino Highway → QC Hall
QC Hall → Robinsons Magnolia
QC Hall → Ortigas Avenue Extension at QC Hall → Muñoz.

Facebook Comments