QCPD, mag iinspection na sa mga bus terminal, bago ang mahal na araw

Itinakda na sa susunod na linggo ang inspection ng Quezon City Police District  sa mga bus terminals sa Lungsod Quezon, kaugnay sa paggunita ng  Semana Santa.

 

Ayon kay QCPD Chief Brig. General Joselito Esquivel, ang inspeksyon ay kanilang gagawin  upang matiyak na mapayapa at ligtas sa mga terminal, na asahan nang  dadagsain ng mga pasahero na patungo aa kanilang lalawigan.

 

Makikipag-ugnayan ang QCPD sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno tulad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para sa gagawing inspeksyon sa mga bus terminal.


 

Kailangan din aniyang masiguro na nasa maayos na kundisyon, hindi lamang ang mga bus, kundi pati na  mga drivers.

 

Sa Quezon City, matatagpuan ang mga pangunahing bus terminals gaya ng Araneta Bus Station sa Cubao at iba pang malaking terminal sa Edsa.

 

Bukod dito ang  pagdeploy ng sapat na bilang ng mga pulis sa mga terminal, gayundin sa mga simbahang katoliko na dadayuhin ng mga mananampalataya.

 

Facebook Comments