QCPD, naglunsad ng feeding project sa gitna ng kagutuman dulot ng pandemya

Inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang mobile kitchen project upang tugunan ang kagutuman sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Tinawag ang programa na ‘Kapwa Ko, Sagot Ko’ na ang layon ay ipadama ang malasakit sa kapwa at pagtutulungan sa gitna ng hirap dulot ng COVID-19 pandemic.

Unang nabigyan ng 400 packed meals at relief packs ang mga lubhang mahihirap na pamilya sa Brgy. Damayang Lagi sa Quezon City.


Karamihan sa naturang pamilya ay nawalan ng kabuhayan sa panahon ng ECQ.

Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, katuwang nila sa programa ang Christ’s Commission Fellowship sa pangunguna ng kanilang founder at Senior Pastor na si Peter Fu Tan-Chi.

Facebook Comments