QCPD, nanindigan sa ginawang pag aresto kay mayoralty candidate Bingbong Crisologo

 

Nanindigan ang Quezon City Police District sa ginawang pag-aresto kay QC congressman Bingbong Crisologo, anak nitong abogado na si Edrix at 44 na iba pa.

 

Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Joselito Esquievel Jr., pinagmumura, pinagtutulak at pinagbantaan pa ni Mayoralty Candidate Crisologo ang mga pulis sa pamumuno ni Station 3 Commander Alex Alberto.

 

Ayon kay Esquievel, hindi papayagan ng QCPD na i-bully kahit ninuman ang kanilang mga tauhan.


 

Itinanggi ng opisyal na mayroon silang kinikilingan kahit sinupaman.

 

Patunay aniya dito ang milyung-milyong pisong halaga ng mga political materials ng lahat ng kumakandidato na nakasabit o nakadikit sa  maling lugar.

 

Iginiit ni Esquievel, isang legitimate police operation ang kanilang ginawamg pag-aresto sa mag-amang Crisologo dahil sa usapin ng vote buying.

 

Isasailalim sa inquest proceedings si Crisologo sa loob ng 36 hours.

 

Papayagan naman aniya siyang makalabas sa detention cell ng CIDU para makaboto  pero  eescortan siya ng mga pulis.

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments