QCPD, nanindigang tanging fingerprints at DNA tests ang makakapag-patunay na si Randall Echanis ang napatay sa QC

74

Iginiit ng Quezon City Police District (QCPD) na tanging finger printing at DNA tests ang makakapagpatunay na si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant Randall Echanis ang isa sa dalawang bangkay na natagpuan sa isang apartment sa Novaliches, Quezon City.


Ayon kay Lt. Johnna Sazon, hepe ng QCPD Public Information Office, isang Manuel Santiago kasi ang lumilitaw na identity ng bangkay na nagtamo ng saksak.

Dapat aniya na lumutang ang pamilya ng Manuel Santiago at patunayang mahal sa buhay nila ang napatay.

Makipagtulungan aniya ang mga ito sa Criminal Investigation and Detection Unit para sa identification nito.

Nauna nang ipinahayag ni QCPD Director Brig. Gen. Ronnie Montejo na posibleng akyat-bahay ang pumasok sa apartment at maaaring nanlaban ang biktima kaya ito sinaksak.

Isa sa pangalawang bangkay na may palo ng matigas na bagay sa ulo na si Loui Tagapia ay may tattoo ng Sputnik Gang.

Facebook Comments