Quadruple pension sa mga retiradong pulis, magandang pakinggan pero mahirap na maipatupad agad

Manila, Philippines – Good sound byte o magandang pakinggan, ito ang naging reaksyon ni Senator Panfilo Ping Lacson sa pahayag ni PNP chief General Ronald Bato Dela Rosa na gagawin niyang quadruple ang pension ng mga retiradong pulis kapag sya ay naging pangulo ng bansa.

Ayon kay Lacson, napakahirap ng kompyutasyon na kailangang gawin para mabigyang katuparan ang pangako ni General Bato.

kaugnay nito ay pinapasumite na ni Lacson sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang totoong bilang kanilang mga retirado.


Ito aniya ay para ma-validate ang pahayag ng Dept. of Budget and Management na aabot sa 5-trilyong piso ang kakailanganing seed money para sa pension program.

Ayon kay Lacson, taliwas naman ito sa computation ng ibang ahensya na 6 hanggang 9 na trilyong pisong seed money para maitaas ang pension ng uniformed personnel.

Facebook Comments